Mga biyayang pangkalusugan ng oatmealAng pagiging malusog daw ay hindi mura. Kasabihan nga, “Health is wealth. But health needs wealth”. Mahirap mapanatiling malusog ang ating katawan nang walang gastos. Ngunit marami pa rin namang paraan upang makapag ehersisyo at kumain nang tama sa karampatang halaga. Halimbawa, ang paglalakad sa parke o sa mall ay isang uri ng ehersisyo na walang gastos. Sa pagkain naman, marami ring masusustansiyang pagkain na mura at nagbibigay ng maraming benepisyo sa ating katawan. Isa na dito ang oatmeal. Ang oatmeal ay isa sa mga “wonder foods” na nagbibigay ng sustansiya at maraming benipisyo sa ating katawan. Ang oatmeal ay epektibo sa pagpapababa ng risk of cardiovascular disease o sakit sa puso sa pamamagitan ng pagbaba ng bad cholesterol sa ating katawan. Mainam din itong remedyo sa mga taong constipated dahil ito ay may mataas na fiber content na tumutulong upang maging regular ang ating pagdumi. Nakatutulong din ito upang maiwasan ang panganib ng pagkakaroon ng cancer lalo na sa gastro intestinal tract. Ayon kay Dr. Rodolfo F. Florentino, chairman ng Nutrition Foundation of the Philippines at dating direktor ng Food and Nutrition Research Institute, ang oatmeal ay nagtataglay ng mataas na uri ng carbohydrate at fiber na kailangan ng ating katawan sa ating pang-araw-araw na gawain. Ayon pa kay Dr. Florentino, ang oatmeal ay may mas maraming protina kaysa sa mais, bigas, at trigo (wheat) kung kaya’t inirerekomenda ito sa mga body builders na nais magpalaki ng muscles. Ang oatmeal ay mayaman din sa minerals tulad ng manganese, selenium, magnesium, zinc, at copper. Ayon pa rin kay Dr. Florentino, ang pagkain ng oatmeal araw-araw kasabay ng pagkunsumo ng maraming prutas at gulay, at pag–iwas sa mga pagkaing may saturated fats o sobrang matataba ay epektibong paraan upang bumaba ang bad cholesterol sa ating katawan at maiwasan ang panganib na magkaroon ng cardiovascular disease tulad ng coronary heart disease at stroke. Ang fiber sa oatmeal ay parang maliit na sponge na sumisipsip ng sobrang cholesterol at inilalabas ito sa ating katawan. Idinagdag pa ni Dr. Florentino na ang oatmeal ay epektibo sa pagpababa ng blood pressure at blood sugar. Ang soluble fiber na taglay nito ay nakakatulong upang maantala ang pagtaas ng blood sugar level at inilalabas ang glucose sa ating dugo pagkatapos kumain. Kaya mainam ito para sa may mataas na blood pressure at sa may diabetes. Ayon pa rin kay Dr. Florentino, ang oatmeal ay mabuting pangpapayat dahil sa taglay na fiber nito. Madali itong makapagpabusog dahil sa sinasabing “feeling of satiety” na madaling maramdaman. Subalit, ang oatmeal ay mataas sa uric acid kung kaya’t bawal ito sa mga taong may gout at arthritis Napakaraming benepisyo ang dulot ng oatmeal kaya maaari itong kainin anumang oras araw-araw. Upang hindi magsawa at para sa karagdagang sustansiya, maaari itong dagdagan ng prutas, low fat milk o nuts. Para sa masaya at malusog na pamumuhay, sundin natin ang mga tagubilin sa Nutritional Guidelines No. 1 “Kumain ng iba’t-ibang uri ng pagkain”, at sa Nutritional Guidelines for Filipinos No. 10 “Mag ehersisyo nang regular, huwag manigarilyo, at iwasang uminom ng alak” [Para sa karagdagang impormasyon ukol sa nutrisyon, maaari kayong sumulat o tumawag sa direktor, Food and Nutrition Research Institute, Department of Science and Technology, Gen. Santos Avenue, Bicutan, Taguig City, Telephone/Fax No. 837-2934, 837-317, e-mail: mvc@fnri,dost.gov.ph; FNRI-DOST website: www.fnri.dost.gov.ph]
|
More News Oil price hikes drive R&D on energy options DOST regional laboratories get ISO accreditation Defining Excellence in Science Communication Technopreneurship gains industry supporters Virgin coconut oil's prime health and commercial potentials Handmade paper unwraps business success More than the flavor of pastel SET-UP beneficiaries in Region 10 hit P100M gross sales Banking on VCO's healthy future All-Filipino digital multi-meter Filipino inventor wins gold for skin cancer cure Balut gourmet The rise of foodborne illnesses Understanding the flu, prevention, and treatment Your shape tells a lot about you What you really get from "lato" How much mothers know about the nutritinal guidelines for Filipinos? Keep a healthy lifestyle for long life Weight-losing diets Ano ang Syndrome X STII pilots online document tracking Vitamin A fortified sugar Kineti-Kids: It's fun to be fit! Super fine industrial materials from discarded CDs What does cashew nut have to do with brakes and clutches? PCIERD starts lab-to-market step on selected technologies Digital compendium makes mining information on Philippine mineral resources fast and easy Barks of eight trees could clean up industrial wastewater UN-CFC cococoir board project to boost housing, farm sectors FPRDI's wall testing facility to deflect construction costs Shifting RP's microelectronics sector from assembly to design Space technology at instant noodles Space technology eyed to enhance key national programs DOST-MAP hold 3rd Metrology Competition Luzon Invention Festival highlights Filipino ingenuity DOST Scholars top honors list Zamboanga del Norte joins e-Philippine pioneers Romblon International Meeting Bioreactor turns Muntinlupa City market wastes to organic fertilizer |